“Matandang Mayaman madaling Mamatay.” Also known as 3M – a typical criterion for a woman who looks for man with thick pockets. Money matters for these women and not the man nor the relationship.
“Matalino” an answer you will get from an intelligent woman.
“Mayaman” an answer you will get from a woman who wants to escape her hardships in life.
“Engineers and psychologist is a perfect match. The other uses the right side of the brain, while the other uses the left. It’s a balance thing” my professor said.
I thought it would be nice to include this in my criteria (my idea of Mr. Right). Knowing that two of my professors have a husband who took an engineering course and my best friend’s boyfriend is currently taking up an engineering course... (And my best friend said to me na nakikita na niya yung sinasabi nila kung bakit match ang psychology sa engineering.) Hindi nga naman siguro masama kung isasama ko ang “engineering” sa criteria ko.
Anyway, ‘nuff of my introduction... so the question is, “what is my ideal man?” hmm... let me think about it first. Mayaman? Nah! Hindi ko kailangan ng rich kid. Matalino? Hmm. Mas lalong hindi ko naman gusto ang geek o sobrang talino... baka hindi ko na sya maintindihan. Haha.
Lagi ko rin tinuturing na HERO ang significant other ko. Iba kasi ang ibig sabihin sa akin ng hero. (hindi ko na i-ddiscuss yun dito. Hindi naman kasi kailangan eh. Haha)
So... my hero is:
A man of God this criteria is my TOP 2. (Yes, it is my 2nd. You’ll know what’s my first if you read until the very end of this entry) Naniniwala kasi ako na ang lalaking anak ng Diyos, hindi lang sa salita kundi pati narin sa isip at sa gawa, at ang lalaking may takot sa Diyos ay matino. Hindi naman literal na matino ang ibig kong sabihin dito. Ang akin lang, yung alam kung saan lulugar kapag kaliangan niyang mamimili sa kung ano ang tama at kung ano ang mali. Hindi ko naman inu-ubliga yung tao na maging santo at araw-araw ay dapat puro kabutihan ang ginagawa niya. Hindi rin niya kailangan na mag-simba araw-araw, pero may pagpapahalaga sa mga importanteng araw para sa simbahan at hindi lang tuwing lingo. Hindi rin niya kailangan memoryado lahat ng dasal, mga pangalan ng santo atbp., at hindi rin niya kailangan mag novena sa Baclaran tapos lalakad ng paluhod o kaya sisimba sa Quiapo tuwing Friday tapos magigind deboto na ng Nazareno... Mas lalong hindi ko siya tinatanggalan ng karapatan para magkaroon ng mga maliliit na kasalanan o magkamali man lang sa mga bagay-bagay. Ang sa akin lang naman, hangga’t tapat siya sa sarili niya, sa pamilya niya, sa akin at sa mga anak namin at hindi siya nakakapanakit ng kapwa, pisikal man o emotional o spiritual, pabor sa akin! Hangga’t may pakialam siya sa parokya o simbahan nila, at sa mga pang-simbahang usapin, PASOK SIYA! At dahil sa may takot siya sa Diyos, nagiging disiplinado siya sa bawat decision niya at sa bawat kilos niya sa araw-araw niyang buhay. Disiplinado sa lahat aspeto. Disiplinado sa pamilya, sa sarili, sa eskwela o sa trabaho, sa ibang tao, sa bansa, sa ibang lugar, sa kalikasan, at lalong lalo na rin sa Diyos. Naniniwala rin kasi ako na ang taong may disiplina sa sarili para sa lahat ng aspeto ay magagawang iwasan ang anumang temptation na kayang ibigay ng mundo. Maliban doon, kalakip ng pagiging disiplinado ay ang pagiging well-organized at pag-ma-manage ng time WISELY. Nale-late rin naman ako... tamad rin naman ako bumangon... late na rin matulog kung minsan... hindi ako marunong gumising ng maaga, kailangan gigisingin pa ako ng daddy ko o kaya ng mommy ko... minsan, inuuna ko pa yung mga hindi importanteng bagay sa internet kaysa sa pag-gawa ng kung ano-ano... pero I know when to stop and kung kalian sumusobra na ako. Alam ko rin kapag hindi na balanced yung oras na nalalaan ko na para sa pamilya, barkada, sarili at sa Diyos. Bukod sa pag-manage ng time wisely na ma-aassociate sa disiplina, kaugnay rin dun yung pagkakaroon ng mga masasamang bisyo. Okay lang naman sa akin ang magkaroon ng bisyo, subalit, hangga’t maaari, I want my hero to drink occasionally, moderately, and responsibly... As much as possible, ayoko ng naninigarilyo at AYOKO NG nagsugal, nagsusugal, magsusugal, sumusugal o kahit anong laro o usapan pa na may kalapit na pera tulad ng pustahan. Ayoko mamatayan kaagad ng boyfriend o asawa. Kaya iwas-iwas rin sa bisyo! Umiinom rin naman ako, pero it happens occasionally. I also admit that I don’t drink moderately whenever I have the opportunity to bottoms up. But hey! I’m responsible enough. Ayoko ng sugarol, kasi ayoko matuto ng sugal at ayoko ring matutunan yun ng mga anak namin.
My hero has wisdom. He is wise and intelligent but not to the extent na mukha na syang geek or mala-kuya kim kapag nagsasalita kasi gusto ko rin yung maraming alam but still willing to learn dahil adventurous siya at curious siya o inosente siya (huwag lang yung OA). Lahat kasi gusto ko gawin o maranasan o ma-experience. Lahat gusto ko mapuntahan... lahat ng pwedeng masubukan o magawa... GO! Gusto ko lang maranasan yung pakiramdam ng first time. Pero siyempre, hindi porket nasubukan na, hindi na gagawin next time... pwedeng ulit-ulitin! Katulad ng mga fun runs o kaya blood donation. Ang hero ko, sports minded. Para maging physically fit kaming dalawa, dapat nakakapag sports rin kami. Tapos pagnagka-family na kami, mag-sports din mga anak namin. Hindi ako tutok sa sports news pero interesado naman ako sa mga sports. Gusto ko rin kasing maranasan yung mag-date or mag-bonding with my hero (future boyfie slash hubby) sa isang sports event or sports center tapos we’ll play together! Cute lang kasi tingnan.
Tulad ng sinabi ko kanina na gusto ko ng taong disiplinado... malamang, siya ay dedicated to his career yet knows how to have fun at humble. Ayoko ng masyadong work-a-holic pero dedicated nga sa trabaho. Pero para maging dedicated ka sa trabaho mo o sa kung ano mang career na napili ng hero ko, makakatulong kung goal-oriented siya. Ayoko ng lalaking walang patutunguhan o walang direksyon ang buhay. Yung tipong hindi alam ang gusto, Pabago-bago ng isip... walang mini-meet na goals sa buhay. And for him to achieve his goals, dapat marunong dumiskarte/maparaan sa buhay! Hindi yung masyadong dependent sa ibang tao. Kailangan marunong rin siyang maging independent. Kailangan niya rin kasing matuto mag-isa. Ayoko kasi yung aasa siya sa iba tapos aabuso na. Ang pangit lang. Gusto ko rin ng lalaking marunong sa gawaing bahay. Hindi dahil sa wala akong alam sa gawaing bahay! Kundi para tulungan niya ako pag kailangan ko ng tulong saka kapag may sakit ako... I also find it cute and manly if marunong yung lalaki sa mga gawaing bahay.
Gusto ko ng marunong makisama at merong sense of humor. Ayoko naman kasi siya magmukhang suplado sa harap ng ibang tao, sa pamilya ko, at sa mga kaibigan ko. Ayoko naman siyempre na maging masama yung impression niya sa kanila. Gusto ko ng Matapang... sa lahat ng bagay at least. Utang na loob, lalo na sa hayop! I am not an animal lover, pero I respect and care for them. Kailangan niyang maging matapang sa aso, butiki, ipis (lumilipad man o hindi), sa dilim, sa multo, sa aswang, sa unidentified crawling creepy animals... basta! Kailangan niya toh, para maipagtanggol niya ko saka maprotektahan niya ako. Hehe. Selfish ko noh? Eh takot talaga ako eh!
Optimistic akong tao saka masasabi ko namang matatag ako (Please, huwag na kumontra). Pero nagiging mahina at saka negative thinker din naman ako paminsan minsan. Kaya gusto ko rin siyempre ng lalaking matatag at optimistic. Maganda nga sana, isa sa amin pessimistic para balance kami, parang yin yang. Pero ayoko naman yung masyadong pessimistic na kung mag-isip parang wala na siyang magagawa, wala na siyang malalapitan o makakapitan man lang, o kaya naman yung aabot na sa depression or possibility pa na maging emotionally wrecked pa siya tapos kulang na lang eh ilubog niya yung sarili niya sa pagiging pessimistic niya. Kailangan meron siyang tiwala sa sarili, sa ibang tao na malalapit sa kanya tulad ng pamilya saka friends niya at lalong lalo na sa Diyos.
A man who is warm-hearted is a must kasi siyempre! Mabait siya... na dahil sa pagkakaroon niya ng pusong mamon, nagkakaroon siya ng sense of volunteerism and concern to the welfare of other people, especially those who are in need. Please lang, hindi purkit sinabi kong pusong mamon, eh pusong babae ang gusto ko! Gosh. Kind hearted kumbaga ang punto ko rito na gusto ko. At bilang meron siyang mabuting puso, dapat meron siyang pagmamahal sa bansa at sa kalikasan. Kailangan niyang magkaroon ng respeto sa bansa, sa fellowmen niya at may paki-alam sa kalikasan. Hindi yung basta basta na lang magtatapon kung saan-saan tapos kapag bumaha, magrereklamo kung bakit bumabaha.
Top 3 sa listahan ko ang pagiging family oriented. Hindi niya kailangan maging daddy’s boy or mama’s boy... basta mahal niya pamilya niya, may concern at care siya sa family niya, may pakialam siya sa lahat ng miyembro ng pamilya niya at kahit sa mga kamag-anak niya, PASADO. Hindi niya kailangan maging sobrang mama’s boy... yung tipong sobrang asa sa nanay. Tipong pati pang load at pang computer, sa ina pang manggagaling. Marunong siya dapat magtipid at magpahalaga sa pera. Kasi, hindi naman yun sa kanya (kung nag-aaral pa lang). Pero kung nag tatrabaho na siya, tipid-tipid rin aba!
This may sound cliché pero, gusto ko yung hindi nanakit ng babae (physically, verbally and emotionally). Ang impossible nito, kasi no matter what, may mga actions pa rin tayong hindi natin alam ay nakakasakit na pala para sa ibang tao. Siyempre dapat respectful siya hindi lang sa babae o sa mga babae... (tandaan niya, may nanay siya. At mas lalong dapat siyang maging respectful sa girls kung may mga kapatid din siyang babae) kundi dapat pati rin sa ibang tao. Maging sensitive din siya sa paligid niya. Hindi naman maghuhula yung tao para malaman kung ano talaga nararamdaman ng isa.
At ang higit sa lahat, he MUST BE BRAVE ENOUGH TO FACE MY FATHER. Ito ang TOP 1 ko. Sa usapang magbabarkada, kailangan “mayroong bayag ang lalaki” para harapin ang daddy ko. Importante sa akin yung approval ng daddy ko. Mataas kasi yung standards niya, na kahit ako mismong anak niya, nakakaranas ng “kailangan kong ma-meet ang standards ni daddy” feelings. Mahigpit rin siya, at seloso! Unang anak ako, baby na baby ako noon... hanggang ngayon pa naman ata? Hindi na lang masyadong halata ngayon siyempre. He also gives what is best for me, pati na rin sa mama at sa kapatid ko syempre. Siya rin ang teacher o mentor ko at daddy’s girl rin ako. At ang higit sa lahat, yung ugali ng daddy ko ang ideal man ko! Siya actually ang basehan ng mga pinagsasabi ko dito.
My TOP 1 criterion is not only for ‘facing-my-father stuff.’ This applies to all! Kailangan meron siyang balls para harapin ang mga gagawin niya, ginagawa niya, gagawin niya at mga nagawa niya. Kailang meron siyang balls para panindigan ang mga decision na bibitawan niya o nabitawan niya. Kailangan niyang maging responsible para sa mga decisions at actions niya... hindi yung immature ang response niya sa iba’t ibang cituations.
Lahat ng nasabi sa itaas... A MUST talaga. Pero kung pampadag-dag pogi points ang pag-uusapan, gusto ko ng lalaking..
Helpful to the point na meron siyang pagkukusa na tumulong sa nangangailangan na mga tao o grupo. In that way, nagpapakita rin siya ng pagiging supportive niya sa ginagawa ng pamilya, kaibigan, at ibang tao.
Pinanganak akong maarte at banidoso sa kamay, lalo na sa kuko... kaya naman gusto ko rin ng lalaking maganda ang kamay at paa (dapat malinis rin ang kuko). Nahuhusgahan ko kasi yung tao kapag nakikita kong marumi yung kuko niya sa kamay... lalong na sa paa! At mas nahuhusgahan ko ang lalaking marumi ang kuko sa paa. Para sa ‘kin kasi, kung di malinis yung kuko mo sa paa, hindi ka rin maayos o malinis o maalaga sa iba pang bagay (hindi lang sa katawan). Sa kamay naman, ang sarap hawakan ang kamay na ubod lambot! Parang baby. Hindi makinis at hindi na rin malambot yung kamay ko dahil malimit akong pinaghuhugas ng plato, pero as much as possible, hindi ko hinahayaang madumi yung kamay ko at yung kuko ko.
Gusto ko ng lalaking marunong tumugtong ng kahit anong instrument, marunong sumayaw, marunong kumanta, marunong umarte, marunong mag drawing at marunong mag luto. Hindi niya kailangan maging expert sa mga nabanggit ko. Hindi rin kailangan na lahat ito, kaya niya kasi hindi naman artista yung hanap ko. Pero kailangang marunong siya magluto kasi hindi pa ako marunong mag luto. Maganda rin kung marunong siyang mag-drive para kung saka-sakaling maging asawa ko siya, at magkaroon kami ng sasakyan, edi okay!
Kung meron siyang kakayahang magsalita sa harap ng maraming tao, o maging boses ng mga tao, plus points for him! May additional points kung creative at artistic siya. Hindi niya naman kailangan maging fine arts student. Basta creative siya in his own way at nalalabas niya yung pagiging artistic niya sa iba’t ibang bagay, okay nay un!
Pag nagkaroon na ako ng pagkakataon na i-put into actions ang advocacy ko sa buhay, mas magiging mabuti kung may makakasama ako sa pag promote ng advocacies ko. Bukod sa mga non-government organizations na sasalihan ko o susuportahan ko, at sa mga kaibigan na alam kong makakasama ko, mas mabuti kung makakasama ko ang man of my dreams ko sa plano kong to. Kaya plus points if he already supports the less fortunate, out of school youth, abused children, physically and mentally disabled children, supports NGOs for environment at kung ano-ano pa na makakatulong sa bansa. hindi naman niya kailangan maging member ng kahit anong NGOs, hindi niya rin kailangan na maging sobrang active... tipong lahat na talaga eh papatusin! Hindi rin niya kailangan sumali kung hindi niya trip, o kung hindi talaga siya interesado o para lang mapang dagdag sa pogi points niya. As long as susuportahan niya ako in his own way at hindi siya magiging hadlang o pabigat sa mga makabayan kong gawin tulad nito, magkakasundo kami.
Hindi lahat ng lalaki, maganda mag-sulat o maganda ang penmanship. May naging teacher akong lalaki, hindi daw kagandahan ang sulat niya nung elementary siya. Pero simula daw ng ipahiya siya ng teacher niya sa klase dahil hindi maintindihan sulat ng teacher ko.... nagsikap siya nag mag-ayos ng penmanship. Araw-araw daw siya nagsusulat noon para magpractice kaya naman di nakakapagtaka na mas naging maganda pa ang sulat niya sa akin. Ang matindi pa, mas sulat pambabae pa sya kahit na mukha namang pambabae yung sulat ko. Kaya ang lalaking maganda ang sulat ay talaga namang plus points sa akin. Importante sa akin tong criteria na ito pati na rin yung tungkol sa kuko, kamay at paa. Meron ring mga lalaki na hindi mahilig o may interes magbasa at manood ng mga pelikula. Isa kasi ito sa mga interest ko sa buhay, kaya kung mahilig siya magbasa at manood ng mga pelikula o ng mga palabas (hindi lang drama pero pati na rin yung informative na palabas.. basta yung may katuturan), approve! May mapaguusapan kami... marami... at magkakasundo kami.
Minsan, tinotopak ako. Minsan kasi may mga problema akong sinasarili ko at sinasabi ko sa ibang tao kapag hinding hindi ko na talaga kaya. Minsan naman, malambing ako. Maarte rin ako. Minsan ayoko ng maingay... mejo bossy kasi ako. May pagka moody rin. Madalas, demanding. Minsan pa, hindi malaman kung ano ba talaga ang gusto. Kaya kailangan ko ng lalaking mahaba ang pasensya, understanding at matiyaga. Malambing akong tao, minsan naman KSP ako... gusto ko nabibigyan ako ng attention o kahit ano basta narerecognize ako at naaappreciate ako kaya gusto ko rin ng lalaking sweet kasi gusto ko yung araw-araw niya akong liligawan kahit pag matatanda na kami saka kapag may mga apo na kami (kung aabot pa). May pagka assumeera ako, at dahil nga gusto ko ng attention at recognition, gusto ko, romantic at thoughtful yung hero ko. Strict at protective yung hero ko. Pero not to the extent na nasasagasaan niya na yung mga kaligayahan ko sa buhay.
...despite of these criteria, hindi naman ito lahat nasusunod. Sa totoo lang, hindi pa ako nakakakita ng taong check lahat sa mga nabanggit ko. May nakilala ako, man of God. Eh ang kaso, walang paninindigan o isang salita. Kumbaga, ang daling sumuko. May nakilala rin akong adventurous at game sa mga sports or sa kung ano-anong activities pero, chicboy. Yung isa naman, marunong sumayaw, marunong kumanta... pero bagsak pa rin. Meron din akong kilala, ang dami ng pagkaka pareho. Soul mates kumbaga, pero iba ang gusto niya eh. Meron ding engineering student, matalino, malambot ang kamay... pero may girlfriend pala! Pambihira naman talaga. Ayaw nga ata ako bigyan ng boyfriend o asawa eh?! Haha. Pero sabi nga nila, aanhin mo ang ideal man kung kalaban niya ay true love J
All in all, what I really need is A MAN and not a boy who thinks he is.
Labels: in my head
0 comments:
Post a Comment