Sunday, December 9, 2012

November 30, 2012
1:09 A.M.





ISIP:
Na-biktima ka nanaman ng isang kasinungalingan! Hindi ka na kasi natuto. Hind ka pa nadala sa mga ginagawa niya. Alam mo naman kung anong klase syang tao diba? Hindi mo ba naaalala… minsan na niyang sinabi sayo na hindi niya nakikita ang kanyang sarili na may asawa, anak…pamilya! Kaya wag kang umasa, tanga! Naaalala mo rin ba kung paano siya mag “ninja moves” sa recent ex-girlfriend niya? Yung mga oras na pinagtatakpan kung ano ginagawa niya, ginagawa niyo, kung nasaan siya, nasaan kayo, sino kasama niya… Hindi ba’t alam mo, nakita mo, naramdaman mo at naging parte ka sa panlolokong nagawa niya!?!
Tapos ngayon…
Iiyak ka? Masasaktan ka? Nag-iisip kung paano babawi? Hmm. Sige. May the best bitch win!!!





PUSO:
Ang tanga tanga ko. Ano bang ginawa ko para ma-deserve ko yung ginawa niya? Dahil ba naging parte ako ng panloloko niya noon sa ex-girlfriend niya? Di ko naman yun ginusto noong una ah! Di ko rin naman sinasadyang mahulog na ng tuluyan. Ginusto ko rin naman yon, aminado naman ako doon. Siya rin naman, ginusto niya yun. Pero pinagsisihan ko rin naman ah?
Hindi nga siya nambabae… pero mas pinili niya naman maglaro ng !@@$#@^#$&#$ computer game kasama yung kaibigan niya na kaibigan ko rin, kesa sa sunduin ako? Kesa pumasok siya sa eskwelahan? Kesa sa samahan ako?! At, inutos pa niyang sabihin sa ‘kin ng kaibigan namin na hindi sila magkasama. Tounge-ina this!
Totoo, mas pipiliin kong about sa computer ang kasinungalingan niya… pero kung tungkol yan sa babae, pucha hindi ko kakayanin! Talunan nanaman ako. Bigo nanaman ako. Sus. Kahit matapang ako sakanya, baka tumiklop lang ako L
Pero hindi! Hindi pa rin tama! Nasaktan ako. Ang dami kong tanong. Nagkulang ba ko? Ang higpit ko ba? Ang luwag ko ba masyado? Pucha paanong klaseng girlfriend ba ang gusto niya? Di ko naman siya inoobliga na sunduin ako araw-araw. Hindi ko rin na dine-demand na magkita kami araw-araw… pero bakit? Dahil ba alam niyang hindi ako papaya na maglaro siya? E malamang! Hello, unang una, hindi siya pumasok. 2nd, hindi man siya nangako na susunduin niya ko, pinaasa niya naman ako. He gave me something to hope for!
Naalala ko, sabi ko sa kanya, isang pagkakamali lang, iiwan ko siya. Kaya siguro niya nagawang mag sinungaling. Hmmm...

Pero,

Hindi ba, kung mahal niya ko, mas pipiliin niyang huwag akong saktan at alagaan ang relasyon namin para mag-stay ako sa kanya habang buhay kesa sa mag-sinungaling siya at pagtakpan niya yung mali niya dahil natatakot siya nab aka pag sinabi niya yung ginawa niya, o kapag malaman ko… iwan ko siya?

**********************************
Ayoko sana gumanti e. pero napipilitan ako. Naisip ko, kailangan ko makabawi hindi lang dahil sa gusto ko gumanti kundi para sa sarili ko. Kailangan ko ipaglaban yung karapatan ko bilang tao, bilang girlfriend niya. Hindi na ako papaya na ako lang yung masasaktan at iiyak dito. I’ve had enough. Inuumpisahan niya nanaman ako.



(photo: Yahoo! Images)

About me

My Photo
Nikka Cosme
Las Pinas City, Manila, Philippines
I PROTECT the environment, I SERVE for my country and its people (but not the government), I LEAD the youth and I FOLLOW God. And by the way, Apple is just a pen name ;)
View my complete profile