November 30, 2012
1:09 A.M.
ISIP:
Na-biktima ka nanaman ng isang kasinungalingan! Hindi ka na
kasi natuto. Hind ka pa nadala sa mga ginagawa niya. Alam mo naman kung anong
klase syang tao diba? Hindi mo ba naaalala… minsan na niyang sinabi sayo na
hindi niya nakikita ang kanyang sarili na may asawa, anak…pamilya! Kaya wag
kang umasa, tanga! Naaalala mo rin ba kung paano siya mag “ninja moves” sa
recent ex-girlfriend niya? Yung mga oras na pinagtatakpan kung ano ginagawa
niya, ginagawa niyo, kung nasaan siya, nasaan kayo, sino kasama niya… Hindi
ba’t alam mo, nakita mo, naramdaman mo at naging parte ka sa panlolokong nagawa
niya!?!
Tapos ngayon…
Iiyak ka? Masasaktan ka? Nag-iisip kung paano babawi? Hmm.
Sige. May the best bitch win!!!
PUSO:
Ang tanga tanga ko. Ano bang ginawa ko para ma-deserve ko
yung ginawa niya? Dahil ba naging parte ako ng panloloko niya noon sa
ex-girlfriend niya? Di ko naman yun ginusto noong una ah! Di ko rin naman
sinasadyang mahulog na ng tuluyan. Ginusto ko rin naman yon, aminado naman ako
doon. Siya rin naman, ginusto niya yun. Pero pinagsisihan ko rin naman ah?
Hindi nga siya nambabae… pero mas pinili niya naman maglaro
ng !@@$#@^#$&#$ computer game kasama yung kaibigan niya na kaibigan ko rin,
kesa sa sunduin ako? Kesa pumasok siya sa eskwelahan? Kesa sa samahan ako?! At,
inutos pa niyang sabihin sa ‘kin ng kaibigan namin na hindi sila magkasama.
Tounge-ina this!
Totoo, mas pipiliin kong about sa computer ang
kasinungalingan niya… pero kung tungkol yan sa babae, pucha hindi ko kakayanin!
Talunan nanaman ako. Bigo nanaman ako. Sus. Kahit matapang ako sakanya, baka
tumiklop lang ako L
Pero hindi! Hindi pa rin tama! Nasaktan ako. Ang dami kong
tanong. Nagkulang ba ko? Ang higpit ko ba? Ang luwag ko ba masyado? Pucha
paanong klaseng girlfriend ba ang gusto niya? Di ko naman siya inoobliga na
sunduin ako araw-araw. Hindi ko rin na dine-demand na magkita kami araw-araw…
pero bakit? Dahil ba alam niyang hindi ako papaya na maglaro siya? E malamang!
Hello, unang una, hindi siya pumasok. 2nd, hindi man siya nangako na
susunduin niya ko, pinaasa niya naman ako. He gave me something to hope for!
Naalala ko, sabi ko sa kanya, isang pagkakamali lang, iiwan
ko siya. Kaya siguro niya nagawang mag sinungaling. Hmmm...
Pero,
Hindi
ba, kung mahal niya ko, mas pipiliin niyang huwag akong saktan at alagaan ang
relasyon namin para mag-stay ako sa kanya habang buhay kesa sa mag-sinungaling
siya at pagtakpan niya yung mali niya dahil natatakot siya nab aka pag sinabi
niya yung ginawa niya, o kapag malaman ko… iwan ko siya?
**********************************
Ayoko sana gumanti e. pero napipilitan ako. Naisip ko,
kailangan ko makabawi hindi lang dahil sa gusto ko gumanti kundi para sa sarili
ko. Kailangan ko ipaglaban yung karapatan ko bilang tao, bilang girlfriend
niya. Hindi na ako papaya na ako lang yung masasaktan at iiyak dito. I’ve had
enough. Inuumpisahan niya nanaman ako.
(photo: Yahoo! Images)
0 comments:
Post a Comment