This blog entry is dedicated to the new born angel, baby Kray Cloud Love - a.k.a. little handsome, and to the newest superwoman i know, my bestfriend, Krista.
October 30, 2012
12:00 midnight
Yesterday was epic! It's one of the happiest, most memorable, unforgettable, amazing, awesome (please add more synonyms..) day of my best friend's life. She gave birth to Kray Cloud Love at 9:20 in the evening at LPDH. She had a CS operation (which was unexpected). Her OB is Dr. Ferrer. The baby is very healthy, and I thank God that everything went well.
Kray Cloud Love L. Vecino, Male
(Day 1)
Hindi biro pinagdaanan ng kaibigan ko. Hindi ko nararamdaman yung pag hihirap niya sa 8 hours o higit pa ata niyang pag-la-labor pero kitang kita ko yung itsura niya. Putla, pagod, sa totoo lang ayoko siyang nakikitang ganon. Takot akong maapektuhan rin yung puso niya habang nag la-labor siya. Kaya hindi rin ako umalis hanggang hindi siya nakakapanganak at hindi ko nakikita yung bata.
When I went home and prepared myself to sleep, I reflected on what happened. As I was reflecting, I found myself crying! I was crying with tears of joy, love, and thankfulness. I appreciated life more and I salute God for whatever miracle he has done to everyone - to all of us. Sabi nga ni best friend,
"Baby, dati sperm ka lang..."
Cloud's Day 2
Lahat naman tayo ay sperm at egg na nag-unite at nabuo.. minsan, double pa at nagiging kambal. Ang galing at nakakamanghang isipin na ang galing galing ng Diyos. Paano niya nagawa na ang isang sperm at ang isang egg ay maging isang buo at ganap na tao? Lalo na kung kumpleto ito ng mga bahagi ng katawan, at walang diperensya sa kalusugan. Paano na ang isang itlog ay nagkaroon ng internal organs at DNA at ugat at kung ano-ano pa... Hindi ba't ang galing ng Diyos?
Sa sobrang iyak ko at dami kong naisip na sabihin sa best friend ko, hindi ko kakayanin na sabihin ito sa kanya ng personal. maiiyak kasi ako... Hehehe. Kaya isinulat ko na lang. At dahil techie na ngayon, at medyo magulo ang isip ko, ita-type ko na lang.
**************************************
Dear Krista,
LOLAAAAAAAAAAAA!!! oh my gosh, nanganak ka na. Masayang masaya ako para sa'yo, para kay baby at para kay Anthony. Hindi ko maipaliwanag yung saya na naramdaman ko noong makita ko si Cloud. Hindi ko naman kayo kadugo pero naramdaman ko lahat ng tension ng pamilya niyo ni Anthony. Naramdaman ko rin yung takot, kaba at saya... naging kasama at naging bahagi ako ng pinakamasaya, pinakamahirap at pinakamasakit na moment ng buhay mo bilang isang babae. Buti na lang talaga at sembreak, at wala rin ako sa Puerto Galera noong araw ng panganganak mo. Kung nagkataon pala, magiging walang kwenta ang pagsabi ko sa'yo na di kita iiwan at di kita pababayaan kahit mommy ka na.
Ang bilis ng panahon... sabi mo nga, ang bilis lang ng 9 months, matagal ang labor. hahaha! Nasaksihan ko at naging part ako ng 9 na buwan mong pagbubuntis. Hindi man ako laging na sa tabi mo araw-araw, sinubukan ko pa rin na every once in a while e bisitahin ka. Mula sa pagiging delayed mo, sa pag text mo sa 'kin ng umaga na buntis ka (at hindi ako nakapag almusal ng maayos dahil inisip ko kung paano ka... paano kita matutulungan... ano ang magagawa ko... -yung totoo, ako ba yung asawa mo? :p)... sa pagsabi sa barkada natin na buntis ka - lahat kami ay worried habang si Claire ay masayang masaya... sa pagsasabi mo sa magulang mo, at sa buong pamilya... sa pagpa-plano kung paano kung hindi ka tanggapin ng pamilya...
Masayang masaya ako Krista May. Sobrang proud ako sa'yo. Ang lakas ng loob mo. Ang tapang mo at kinaya mo ang lahat ng 'yon. Hindi mo magagawa ang lahat ng ito kundi dahil sa pagmamahal mo sa asawa mo, sa relasyon niyo ng asawa mo at ng dahil sa Diyos. Hindi ko pa rin maalis na hindi maiyak ng onti kapag nakikita ko si Cloud... naalala ko kasi yung ano yung una mong pinagdaanan eh.
Habang nasa labor room ka, gusto kita samahan gaya ni Anthony at ni tita. Gusto rin kitang tulungan pero wala akong magawa kundi magdasal. Nakakainis, at gusto ko, o gusto namin eh nandun kami pero hindi pwede... moment mo daw yun! hahaha.
Asahan niyo ni Anthony na andito lang ako at ang pamilya ko na andito lang kami kapag may kailangan kayo. Andito lang ako lola kapag kelangan alagaan si Cloud... at kung kailangan mo ng tulong lola, wag ka mahihiya. I got your back :) pangako yan.. hanggang sa magbinata yang inaanak ko, tutulungan ko yan.. kahit baluktot na buto ko at may mga anak na rin ako.
Maging matatag at matyaga kayo ni Ton. Alam ko naman magiging mabuti kayong mga magulang... ilapit niyo siya sa Diyos ha. Alam ko naman na magiging matalino yang bata na yan... bigyan niyo si Cloud ng pagkakataon na makita ang mundo... Let him explore the world by himself, but still with proper guidance of course. hehehe :) Kaya niyo na yan! Magulang na kayo. hahaha
Yun lang naman best friend. Enjoy every moment, every second with Cloud :)
PS. Sana joke time mo lang yung kami ni G ang susunod. hahaha.
lots of love and care,
Lola Nikka.
3 comments:
Cutie patotieeeee.
Congrats to the both of them!
=)
Sa haba ng comment ko, mabubura lang pala.
LOLAAA! pinaiiyak mo ko. Nakakainis ka.
SALAMAT. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat2. Hindi mo ko iniwan kahit kailan, kahit nakakapikon na ako minsan, higit sa lahat noong panahong halos bumitaw na ako. SALAMAT bespren. Alam mong hindi ko kaya ng wala ka, at alam mong hindi rin kita iiwanan diba? PANGAKO yan. ALAM MO YAN. Mahal kita, kahit na parang ang sungit ko palagi at naaaway pa kita. At gaya nga ng lagi kong sinasabi, napakaswerte kong magkaroon ng isang tulad mo sa buhay ko. I LOVE YOU BESPREN. :* SALAMAT.
:) I LOVE YOU TOO BESPREN :* see you soon!
Post a Comment