Date: October 24, 2011
Time: 11:02 P.M
Dating kasintahan (lalaki)
Dating pag-ibig (babae)
Masyadong naging mabilis yung pangyayari. Hindi na namalayan ni pag-ibig na nagpapakita na ng motibo ang dating kasintahan. Hindi na rin napigilan ng dating kasintahan kung gaano niya gusto makasama ang dating pag-ibig. Dalawang buwan na ang nakakalipas ng huli siyang makaramdam ng ganito. Hindi niya sukat akalain na mabibitag siya sa patibong ng dating kasintahan. Sa loob rin ng dalawang buwan, lilipad na sa ibang bansa ang dating kasintahan. Pero...
Naisip niya, nasayang lang ang bagong prinsipyo. Nasayang lang ang pag-babagong buhay. Hindi pala madali... lahat talaga, dumadaan sa isang proseso. Hindi niya alam ano mangyayari sa susunod. Sa paghihiwalay nila kasabay ng paglubog ng araw, naiwan ito sa kanyang isipan:
“ano ba ito? Ayoko ito. Pero bakit hindi ko sya mapigilan?” tanong sa isip nito.
“bakit ganon? Hindi ka nakakasawa?” sabi ng dating kasintahan.
“di ako nakakasawa? Hmm. Bolero! (sabay batok) sinong niloko mo” sabi niya.
Paano na lang ang pangako ng dating pag-ibig sa nakatataas?
Labels: her
0 comments:
Post a Comment