Date: November 9, 2011
Time: 5:38 P.M.
Iniisip niya kung bakit walang natawag sa kanya. Phone number, check. E-mail address, check. 2x2 picture, check. No typographical error, check. Her father, who is also her mentor, even fixed it! but what the hell is wrong with that effin paper!?!
Isip. Isip. Isip.
Ah! Qualifications? Maybe. Wala kasi siyang ganon. Hindi kataasan ang grades, pero pasado. May line of 7, pero hindi sa major. 80 pinaka mababa sa major... pero hindi yun sapat. Dapat ata na sa listahan na naka pin sa board. Dapat ata nasa unahan ng upuan. Dapat ata bibo. Dapat ata may position... o kung hindi man, paboritong tao.
“ANG BOBO KO. NAIINIS NA AKO SA SARILI KO. NAKAKA-DOWN.” Sabi niya sa isip niya. Wala siyang masabihan ng problema. Ayaw niya sabihin sa mga kaibigan. Nahihiya. Siya na lang kasi ata ang bukod tanging hindi tinawagan. Ni-isa man lang sa mga binigyan niya ng papel... kung meron man, isa lang... palpak pa! Hindi para sa kanya.
Hanap dito, hanap don. Click. Click. Click. Basa. Bura. Back. Refresh. Enter. Delete. Puta, lahat na ginawa. Wala pa rin.
Nakipagtalo siya sa sarili niya:
Positibo: hayaan mo na. Tawag at imbitasyon lang yun. Sa paggawa nagkaka-alamanan. Na sa performance yan. Hindi lang yan basehan ng utak. Basehan din ng ugali at pag-gawa.
Negatibo: pero bakit ang iba na alam mo at kilala mong mas mababa, may imbitasyon? Bakit kung sino pa yung mali sa papel at kulang-kulang, yun pa ang nakahihigit?
Positibo: hindi ko alam.
Naisip niya, baka isa ito sa mga sagot sa kanyang dasal. Maaring o posible kayang hindi siya nararapat sa ganong lugar? Doon nab a agad siya dapat sa kung saan niya talaga gusto? Yung lugar na alam niyang magiging Masaya siya at mapapagod siya ng Masaya?
ANO ANG SAGOT?
Labels: her
0 comments:
Post a Comment