Friday, March 2, 2012

March 1, 2012; Thursday

Ito ang naging kasangga ko ngayong gabi. Siguro, ngayong araw na rin kahit gabi ko na nakasama ang isang bote ng inumin na ito. Marami akong nalagok. Ilang oras rin ako nagtago ng emosyon. Dumaan naman ako ng simbahan sa Baclaran para manalangin. Nagtirik pa nga ako ng kandila para makapag alay man lang saka lumapit pa ako sa imahe ng perpetual help. Pero…. Hindi pa rin naging sapat ang mga bagay na ito para maging okay ako.

Mabigat.

Masakit.

Emosyonal.

Ayoko pa grumaduate.

Tulad pa rin ng naisulat ko sa unang araw ng pagiging lugmok ko…. Wala pa rin akong plano. Oo, marahil ay naririryan ang mga kaibigan ko lalo na yung mga taong sadyang malalapit sa akin. Pero, hindi naman habang buhay kailangan kong kumapit sa kanila. Yung best friend ko, may sarili rin naman siyang kalungkutan. May iba rin siyang problema na hindi naman niya problema… pero wala naman akong choice kung hindi maki-Sali sa mga problema na yon.

Do I sound pathetic? I think so.

Matulog kaya ako sa tabi ng mga magulang ko? Maramdaman ko man lang na andyan sila para sa akin.

Iba epekto ng nainom ko. Nailabas niya halos lahat ng emosyon kong nakatago. At nakakalungkot man isipin, dalawa lang silang may alam ng buong detalye ng kalungkutan ko.

0 comments:

Post a Comment

About me

My Photo
Nikka Cosme
Las Pinas City, Manila, Philippines
I PROTECT the environment, I SERVE for my country and its people (but not the government), I LEAD the youth and I FOLLOW God. And by the way, Apple is just a pen name ;)
View my complete profile