Sunday, February 19, 2012

Naawa ako sa kanya. Sa mga ginagawa niya. Para siyang isang ermitanyong naligaw sa disyerto… uhaw. Hindi nga lang sa tubig… kung hindi sa pag-ibig.
Ilang beses na siyang binulag at nabulag ng makapangyarihan na salitang sadyang nababalot ng hiwaga. Ilang beses na rin siyang nabingi sa mga mabulaklaking mga salita na kayang ibigkas ng salitang pag-ibig. Ilang beses na rin siyang nabingi sa mga pangakong napako.
Ilang beses na rin siyang naging pipi sa kagustuhan niyang manahimik at angkinin lahat ng sakit at hayaan na maging sunod-sunuran… oo, naging alipin na rin siya ng pag-ibig.
Nakakalungkot lang isipin na ang isang katulad niya na nagsakripisyo ng higit pa sa sarili ay nabalewala lang sa isang tabi.
Kawawa.
Parang bente-singko sentimos sa kalyeng ayaw pulutin sa pag-aakalang wala na itong halaga.
Sabit.
Halos sumabit na siya sa puso na pag-mamay-ari na ng iba.
Nakaka-awa.
Uhaw.
Di mo masisi.
Nag-hahanap ng kalinga….
Kalinga ng kaibigan at kalinga ng taong nagmamahal sa katauhan ng iisang tao lang.
Pero…
Inggit.
Inggit at tuwa.
Inggit at tuwa para sa mga kasamahan ang nararamdaman niya. Ika nga niya, “maswerte sila sa kanilang mga tubig. Napapawi ng tubig nila ang mga uhaw na nararamdaman ng mga kasamahan ko. Sana lang, lahat ito ay totoo. Hindi peke. Hindi lokohan. Sana lang huwag silang matulad sa akin… uhaw”

0 comments:

Post a Comment

About me

My Photo
Nikka Cosme
Las Pinas City, Manila, Philippines
I PROTECT the environment, I SERVE for my country and its people (but not the government), I LEAD the youth and I FOLLOW God. And by the way, Apple is just a pen name ;)
View my complete profile