Friday, March 2, 2012

DAY 1: REALIDAD

February 29, 2012; Wednesday

16 days before my actual college graduation. Damn! I still don’t have internet connection to fix my jobstreet and jobsDB account para makapag-apply na ako ng trabaho. Pero baka tulad lang ng paghahanap ko ng OJT, wala rin tumawag sa akin. Walang mag-offer ng trabaho. I myself had experienced how people in recruitment section choose applicants. I have witnessed how they select the applicants – who to prescreen, who shall be kept for reference, and the worst… who to reject. Ako mismo, nagawa kong mamili kung sino ang nararapat. Nakakatuwa rin yung malaman na yung mga napili mo sa pag outsource mo ay na hired. Pakiramdam mo pa, ikaw ang naging dahilan kung bakit siya natanggap. Pakiramdam mo, ikaw ang nagbigay ng trabaho. Bakit? Eh kasi ikaw yung tumawag, at nag imbita na pumunta siya sa ganitong lugar, dalhin ang resume niya at hanapin si ganito para sa interview at exam niya.

Eh ako kaya? Mapili kaya ako?

Iba’t ibang klase ng resume ang nakita ko sa jobstreet. Doon ko na-realize na totoo nga, resume pa lang, makakagawa ka na ng impression sa taong may-ari nito. Sa mga credentials at nilalaman pa lang nito, laking bagay na. minsan pa, edad at itchura pa lang… may points na. pero, may mga ilan din na “looks-can-be-deceiving” ang dating. Nabiktima nga ako kasi yung napili ko pa lang applicant na tawagan o imbitahan for interview and online exam, hindi bihisa sa pag-gamit ng laptop tapos yung isa naman, pananamit at pananalita pa lang noong ininterview daw siya ng supervisor ko, eh epic fail na. wrong move sa akin yon siyempre! Hmm… pero mabalik tayo sa storya ko…

I wear my clothes appropriately, okay naman ang format ng cv ko pero hindi ko alam kung okay para sa mga naghahanap ng tao ang makikita nila sa cv ko. Wala akong honor. Wala akong kung ano-ano man na academic cheverloo. Ang tanging naiiba lang sa cv ko eh yung mga assemblies kung saan nag facilitate ako at nag organize pati yung extracurricular activity ko na college group. Sabi nga ng daddy ko, okay na may ganoon ako kasi pwedeng isipin ng nag-iinterview sa akin na may katuturan yung pinagkaka-abalahan ko sa buhay kapag mga time ako. Pwede raw akong magkaroon ng impression na ginagamit ko ang oras ko sa mga makabuluhan na bagay.

Pero… sapat na ba yun?

Average lang intelligence capacity ng utak ko. Aminado naman ako doon because I know that fact since I was a kid. Naging top student man ako sa klase noong second year high school, yun ay dahil na rin sa pag-sisikap at pagtya-tyaga na mag-aral talaga saka focus na rin. Pero yung ma-retain lahat ng napag-aralan ko mula noon hanggang ngayon sa utak ko… hindi yun kaya lahat isaksak sa utak ko. Siyempre, may alam naman ako. Marunong naman ko. Pero gaya ng sabi ko, masipag akong tao. Masipag akong estudyante, hindi ako matalino… may alam lang. at baka dahil ganito ako, matalo ako. Ayoko. Hindi pwede yon. Matataas masyado yung mga pangarap ko para sa sarili ko, sa pamilya, sa mga kaibigan at sa maniwala kayo o hindi, kahit para sa bansa at sa mga kababayan ko, may pangarap akong nakalaan para sa kanila.

Ngayon pa lang, naiiyak na ako dahil hindi ko alam kung saan ba talaga ako pupulutin kapag dumating na yung huling araw na magiging regular akong estudyante ng magiging alma mater ko. Hindi ko kasi alam kung may future nga ba talaga ang isang tulad ko? Ito siguro yung sinasabi sa akin ni papa na dapat, meron talaga akong mga concrete plans para sa sarili ko. Mga plano na alam kong magagawa ko. Mga plano na dapat masunod ko at matupad ko. Mga plano na dapat eh specific at na-aayon sa panahon, sa sarili o personalidad ko at ang higit sa lahat… sa realidad. Pero, realidad? Problema kasi sa akin, masyado akong futuristic, idealistic, at heroic. Sa paniniwala ko na kaya kong mabuhay ng normal kahit simple lang yung maging trabaho ko, hindi ko na nakikita na kahit kami na nabibilang sa middle class family, nangangailangan rin ng pera. Lumaki kasi ako na hindi pinoproblema sa pamilya ang pera (hindi ako nagyayabang dito at wala akong intension na iparating sa inyong marami kaming pera). Kumbaga, pera lang yun… hindi ko dapat problemahin yon kasi kaya naman yun gawan ng paraan at hanapn ng solusyon. Pero hindi ko na rin nakikita na kahit kami mismo, kelangan namin makapag ipon para may magagamit kami kapag merong nagkasakit. I am aware that we have needs, and there are times when we experience shortage of money, food and other necessities… but still, hindi ako na-aalarma. Hindi ako natatakot na maubusan dahil alam ko, meron at meron kaming magagamit kapag nangailangan kami.

“kaya kita pinag-sasabihan na mag-aral ka ng mabuti para trabaho ang hahabol sa’yo at hindi ikaw ang mag-aapply” –daddy.

May tumulo nanaman na tubig sa kaliwa kong mata. Iyakin talaga ako. Ang babaw ko ba? Na realize ko kasi na tama siya, may punto yung sinabi niya na yon. Hindi ako siguro magkakaroon ng ganitong feelings o depression kung ako yung hinahabol ng trabaho.

Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung paninindigan ko yung sinabi ko sa kaibigan ko na di ko hahayaan na hadlangan ako ng mga magulang ko sa landas na gusto kong tahakin at patutunayan ko na mali sila at tama ako. Kung gagawin ko yun, maging tama nga kaya ako? Paano kung mali? Baka lalong magkanda leche leche ang buhay ko. Mahirap na. kung ipipilit ko kasi yung gusto ko, sumasagi sa isip ko kung paano naman ang pamilya ko? Paano ako makakatulong sa kanila? Naisip ko, hindi kaya mas dapat talaga na unahin ko munang ayusin ang buhay ng family ko bago ang buhay ng mga ibang tao? Kasi kung yung ibang tao gusto kong tulungan, hindi ba’t mas kakailanganin ako ng pamilya ko? Mukang maisasantabi ko nanaman ang prinsipyo ko sa buhay.

“kung ang ibang tao kaya kong tulungan, bakit hindi ang sarili kong pamilya?” ayokong isumbat nila sa akin yun. Proud sila sa gusto ko na makatulong. Oo, natutuwa sila at maganda ang hangarin ko sa buhay… pero paano nga naman ang pamilya ko?

Hindi ako masaya. Hindi ko alam kung ano yung gusto ko. Wala na rin akong makapitan kundi yung Diyos ko. Siya na lang talaga eh. Pakiramdam ko lang, wala akong magagawa. Parang nakukulangan ako sa panahon o oras na meron ako. Ayoko naman magtago habang buhay sa likod ng anino ng mga magulang ko. Ayoko rin naman maging sunod-sunuran na lang sa kanila habang buhay. Gusto ko rin naman mag-karoon ng decision na sa akin mismo manggagaling… mga decision na ako mismo yung nag-isip. Pero… Hindi ko pa rin alam. Mag sisimba na lang ako siguro bukas.

0 comments:

Post a Comment

About me

My Photo
Nikka Cosme
Las Pinas City, Manila, Philippines
I PROTECT the environment, I SERVE for my country and its people (but not the government), I LEAD the youth and I FOLLOW God. And by the way, Apple is just a pen name ;)
View my complete profile