sa totoo lang, kahapon pa mabigat yung pakiramdam ko. i can't figure out yesterday kung bakit ganon yung feeling. pakiramdam ko pa, parang mapapa-away ako o para bang may di ako makaka sundo. basta, the feeling was very unusual for me. i laughed out loud yesterday, pero kulang pa rin. i know something is missing.. something will happen.
and i was right! at around 7pm in the evening, i was lying in my bed and thinking of the things i have done for today and from the past few days. i keep on recalling the things i've said, the things that i've done.. and i realize.. parang hindi yun gawain ng isang bente anyos na tao.. or more of, bente anyos na babae!
para sa akin..
di nakakatuwang isipin at malaman na wala akong alam sa mundo. pero di naman literal na wala akong alam. may alam ako pero hindi lahat, alam ko. may mga simpleng bagay na hindi ko alam. mga simpleng bagay na dapat at my age, alam ko na.
like what i've said to my friend,
"simula lunes, ipupush ko sarili ko na matuto sa laht ng bagay na hindi ko kaya at harapin mga kinakatakutan ko. lahat aaralin ko. lahat aalamin ko. magbabasa ako at magtatanong. naisip ko, halimbawa na lang, kung magiging magka-kapitbahy tayo, aasa na lang ba ko sa pag luluto? ayoko umasa sa iba ng sobra kasi baka di ko mamalayang abuso nko kasi db ako mismo, ayoko ng mapangabuso pag tinutulungan.. hindi na rin 25 years old ang basehan ko ng 'matanda nako'. 20 years old na ako. hindi na ako bata."
maganda yung sinabi ko para sa sarili ko. kasi this is something positive. pero sabi ng isa kong kaibigan, di naman din maganda na alam ko lahat.. there will be no more space for new messages.
ganito kasi yung pakiramdam ko..
pakiramdam ko, hindi ako matalino. wala akong alam. ilang buwan na lang, mag ttrabaho na ako. aanhin ko ang grades na 88 at 86 kung ang dahilan nun ay ang pagiging masipag ko at mamemoryadong tao at hindi dahil sa pagiging intelektuwal na tao. aanhin ko yung ganong grades kung hindi ko naman ma.eexplain sa iba ng maayos yung napag aralan ko. wala, parang walang silbi.
lagi kong sinasabi sa sarili ko "mag-aaral akong mabuti. para mataas ang grades ko. pag mataas ang grades ko, bukod sa may premyo ako mula sa magulang ko.. magkakaroon ako ng magandang trabaho"
pero naisip ko kanina...
daig nga ba talaga ng masipag ang matalino? kung oo, bakit? dahil ba sa tamad ang matalino? eh paano kung..
masipag ka nga, di ka naman matalino?
ibang-iba ako ngayon sa kung ano talaga ako. ang typical na "ako", hindi mag-iisip ng ganito ka negatibo. ang typical na "ako" di magsasabi ng 'bobo ako' sa sarili.
ang baba ng tingin ko sa sarili ko ngayon.
nakakainis isipin na ako, alam ko mismo sa sarili ko na positibo akong tao, nagagawang mag isip ng ganito para sa sarili.. hindi nakakatuwa. nakakababa ng pagkatao.
gusto kong umiyak.. pero wala naman yun magagawa. kailangan kong maging matatag.
sana lang dumating na yung araw na kaya ko ng makatanggap ng mga criticisms.
0 comments:
Post a Comment