Friday, March 2, 2012

DAY 3: MAGKAKAPATID

March 2, 2012; Friday

Gumaan yung pakiramdam ko noong makita ko ang barkada ko. 14 days to go na lang bago kami magkahiwa-hiwalay pansamantala. Hindi ko alam kung matutuwa ako pero mas nangingibabaw pa rin yung lungkot.

Masaya ako at lahat kami ay makaka-graduate kahit na ang isa sa amin ay hindi makakasabay dahil may valid naman na kadahilanan. Pero malungkot ako kasi bihira ko na lang sila makikita. Hindi ako makakahanap ng katulad nila.

Iba iba man kami ng trip sa buhay at naiinis man kami sa isa’t isa, alam mo na sa kanila ka pa rin babalik. Family ika nga ng iba.

Sisters kung magturingan kami. Problema ng isa, problema ng lahat. Away ng isa, away ng lahat. Mas lalo ko silang minahal habang lahat kami, abala sa pag-gawa ng thesis. May kanya-kanya kaming thesis partner na within our group naman pero ‘pag ang isang mag partner nagkaka problema, damay na pati yung ibang magkakasama sa thesis. What I meant with the word ‘damay’ here is lahat kami eh nagtutulungan. Halimbawa. Hindi siya tulungan ng partner niya, kami tutulong. Wala siyang kasama, isa sa amin ang sasama. Yung mga ganung bagay.

Mas lalo ko silang minahal kasi kahit na gaano kami ka-abala sa kanya kanya naming mga pinagkaka-abalahan, kinukumusta pa rin namin ang isa’t isa. Pinagsasabihan kapag may pagkakamali at pinagagalitan kapag sobra sobra na ang pagkakamali. “big sister” namin ang isa’t isa.

Mas lalo ko silang minamahal sa tuwing nagdadamayan kami sa trip ng isa kahit na ikapapahamak pa ng lahat ang nagawa –tulad na lang noong last retreat. Ibang trip yung nagawa namin na humantong pa sa napatawag ang mga magulang namin. Muntik muntik rin nanganib ang 5 sa amin lalo’t graduating kami. Hindi ko makakalimutan yon. Nakakatuwa kasi, walang sisihan, walang laglagan… lahat kami sabay-sabay na umiyak, natuto, nagsisi at ginalit namin si sister… pero hindi namin pinagsisihan na nakapag-saya kami ng sama-sama sa isang kwarto bago kami mapagalitan.



Ito kami.

At sila ang third family ko :)

0 comments:

Post a Comment

About me

My Photo
Nikka Cosme
Las Pinas City, Manila, Philippines
I PROTECT the environment, I SERVE for my country and its people (but not the government), I LEAD the youth and I FOLLOW God. And by the way, Apple is just a pen name ;)
View my complete profile