Friday, November 4, 2011

written: October 27, 2011


“Ano ang silbi ng paglilingkod mo sa loob kung hindi mo naman mapatunayan ang sarili mo sa labas? Hindi ka maging totoo sa sarili mo.”

I had a deep and fruitful conversation with my girl friends. ang dami naming napag-usapan. Sa dami ng napag-usapan naming kanina... dalawang bagay ang gusto kong i-emphasize – ang differences at decisions made or that will be made.

Differences

Mahirap at mayaman.

Loyal at faithful.

Babae at tomboy; lalaki at bakla

Tahimik at maingay

Madali at mahirap

Sinungaling at tapat

Malakas at mahina

Mabuti at masama

Maputi at maitim

Duwag at matapang

Penis at vagina

Kaliwa at kanan

Derecho at palikod

Oo at hindi

Sayaw at kanta

Maganda/gwapo at pangit

Marami pa tayong pagkaka-iba-iba. Wala namang nilikha na magkapareho. Magkahawig oo, meron. Pero isipin natin, kahit ang kambal na magkapatid, may pagkakaiba ng hilig o gusto, ugali at pag-iisip.

Lahat tayo, may kakayahan na intindihin ang bawat isa. Iba-iba lang ang paraan kung paano iintindihin ang isang bagay... para mas malinaw, iba-iba tayo ng pagkakaintindi dahil may sari-sarili tayong pag-iisip at pananaw.

Iba-iba rin tayo ng ugali. May mga bagay na, para sa’yo ay okay pero para sa kanya, hindi. Akala mo perpekto, yun pala hindi. Dahil sa mundo, naniniwala akong walang perpekto dito...dahil hindi sila Diyos. Ultimo bato sa kalye, hindi perpekto... bakit? Subukan mo kumuha ng bato, hindi ba’t magkakaiba sila ng hugis? Nakakita ka na ba ng bato na may perpektong hugis bilog na hindi dumaan sa proseso para magmukhang perpekto? Nakakita ka na ban g taong maganda o gwapo na hindi makikitaan ng kapalpakan o pagkakamali sa katawan o sa ugali niya o sa buhay niya? Hindi ba’t ang mga artista rin ay may mga pagkakamali rin? May mga kinakatakutan...

Kaya di siguro maganda na ikukumpara natin yung sarili natin sa ibang mas nakaka-angat sa atin o kahit sa mga taong kapantayan lang natin ng edad o hindi masyadong malayo ang agwat. Iba-iba rin tayo ng edad, estado sa buhay, kinalakihan o kinagisnan o kinasanayan, at higit sa lahat, kasariaan. kaya iba-iba rin tayo ng pananaw sa buhay. Iba-iba rin ang takbo ng isip natin. Pero naniniwala akong, lahat pwedeng magkasundo kung iisipin lang natin at iintindihin at tatanggapin yung pagkukulang at pagkakamali o pagkakaiba ng ibang tao... dahil,

Lahat naman tayo pantay-pantay at pareparehas na tao... kahit never tayong magkakapareho.

Decisions

Parang marriage, kasi marriage for me is a lifetime commitment. The decisions you have had made on the past defines your present and predicts your future. Sinilang at binigyan tayo ng Diyos ng “free will” na dapat ay nagagamit natin sa tama... hindi para makapang abuso o ano pa man.

0 comments:

Post a Comment

About me

My Photo
Nikka Cosme
Las Pinas City, Manila, Philippines
I PROTECT the environment, I SERVE for my country and its people (but not the government), I LEAD the youth and I FOLLOW God. And by the way, Apple is just a pen name ;)
View my complete profile